Moms, narito ang listahan ng mga beauty treatments na bawal sa nagpapasuso na ina!
Para maging safe at healthy ang pagbubuntis ni mommy, dobleng pag-iingat ang dapat tandaan sa lahat ng kinakain, iniinom o maski pinapahid sa katawan. Kung unang pagbubuntis mo pa lamang ito, alalahanin na marami ang dapat mong tandaan kung ano ang dapat iwasan at kung ano ang safe kay baby habang buntis ka.
Mababasa sa artikulong ito:
- Beauty treatments na bawal sa nagpapasuso ina
- Iba pang beauty treatments na bawal sa nagpapasuso na ina
Subalit paano kapag nakalabas na si baby at ikaw ay kasalukuyang nagpapasuso? Pwede ka na bang gumamit ng mga beauty products o treatments?
Kailangang malaman ng mga breastfeeding mom kung anong treatment o produkto ang ligtas at hindi dapat gamitin. Ito ay dahil anumang ipahid ng nanay sa kanilang balat o buhok (pareho ng pagkain o inumin), didiretso ito sa kanilang bloodstream na maaaring kumonekta rin sa kanilang suso kung nasaan ang gatas.
Beauty treatments na bawal sa nagpapasuso ina
Ang artikulong ito ay magsisilbing gabay sa kung ano ang safe at hindi dapat gamitin na produktong pampaganda ng nagpapasusong nanay.
1. Gamot sa taghiyawat (pimples)
Dahil sa dami ng gamot sa tagihawatgamitin para sa isang
Sa kabuting palad, ang mga over-the-counter na gamot sa tagihawat ay gumagamit lang ng iisang sangkap. Ang gagawin mo na lamang ay piliin ang pinakamagandang produkto na walang epekto sa iyong gatas at kay baby.
Ayon kay Dr. James Abbey, mula Infant Risk Center, Texas Tech University Health Sciences Center, narito ang mga karaniwang ginagamit na sangkap ng mga gamot sa tagihawat.
-
Benzoyl peroxide
Matatagpuan ang anti-inflammatory at anti-microbial medication na ito sa halos lahat ng gamot sa tagihawat. Ito rin ay “an effective treatment for mild forms of comodonal acne (forming white-heads and black-heads). It also complements prescription antibiotics for use in more severe forms of acne.”
Kahit na wala masyadong pag-aaral tungkol dito, paliwanag ni Dr. Abbey, “most tissues in the body contain enzymes that break down peroxide compounds and any of this medication that is absorbed would be rapidly destroyed.”
Dahil rito, itinuturing na pinakaligtas na sangkap ang topical benzoyl peroxide para sa tagihawat ng mga nagpapasusong nanay.
-
Salicylic acid (0.5 to 2%)
Wala rin masyadong pag-aaral tungkol sa sangkap na ito para sa pagpapasuso. Subalit ayon sa pag-aaral, tinatayang nasa 25% ang tiyansa ng pagpasok ng drug sa bloodstream ng isang babae.
Bukod pa rito, nakita rin sa ibang pag-aaral na maaari rin itong mapunta sa gatas ng ina.
Kung ikaw ay nagpapasuso at naghahanap ng gamot sa tagihawat, mas mabuting iwasan ang produktong may salicylic acid.
BASAHIN:
#AskDok: Puwede ba ang kojic soap sa buntis?
LIST: Top 6 best nipple cream for breastfeeding in the Philippines
LIST: Top 5 shampoo para sa naglalagas na buhok ng breastfeeding moms
-
Lactic acid and glycolic acid
Ito naman ay responsable para matuklap ang balat at isang solusyon para sa peklat. Ayon kay Dr. Abbey, ang parehong drug na ito ay maaaring pumasok sa balat. Ang lactic at glycolic acid ay natural na makikita sa mga sanggol kaya ligtas gamitin ang mga produktong may ganitong sangkap.
-
Tee tree oil
Ang natural na essential oil na ito ay kilala sa antimicrobial properties property. Mula ito sa dahon ng Australian shrub o kilala bilag Melaleuca alternifolia.
2. Nail care
Uulitin natin, wala masyadong pag-aaral patungkol sa paglilinis ng kuko habang nagpapasuso.
Ngunit para sa usapang kaligtasan, humanap ng nail polish na free sa mga kemikal na formaldehyde, camphor, dibutyl phthalate (DBP), toluene, at formaldehyde resin. Sapagkat ito ay mayroong toxic property na maaaring pumasok sa iyong bloodstream.
Tandaan din na wala masyadong pag-aaral tungkol sa epekto ng ilang nail polish katulad ng Gelish at acrylics sa mga nagpapasuso. Kung may balak kang magpalinis ng kuko at magpalagay ng nail polish, tandaan ang mga bagay na ito.
3. Hair treatment
Nag-aalala ka bang magpakulaybuhok o iba pang treatment habang nagpapasuso
“No evidence exists that the nursing mother’s use of hair-care products, such as hair dyes and permanents, has any effect on her breastfeeding baby.”
Dagdag pa ng LLLI, ang kemikal na ito ay maaaring pumasok sa iyong balat. Subalit kung ang iyong anit naman ay healthy at walang sugat, kakaunti lamang ang mapapasok.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang Australia Breastfeeding Association sa Organization of Teratology Information Specialists, “it is highly unlikely that a significant amount of the chemicals used [in hair treatments] would enter the breast milk because very little enters the mother’s bloodstream.”
4. Pagpapaputi
Karaniwang makikita sa mga pampaputing produkto ang hydroquininonekaunti lamang ang pagpasok
Samakatuwid, ligtas naman ang paggamit ng pampaputi habang nagpapasuso si mommy.
5. Hair removal
Kung ikaw naman ay gumagamit ng depilatory cream sa bahay bilang pantanggal ng buhok, payo ng Australian Breastfeeding Association na ito ay ligtas namang gamitin. Hindi masyado itong nakakasok sa balat kaya “therefore are very unlikely to end up in breast milk.”
Dagdag pa nila na “there is no evidence that electrolysis or laser hair removal would affect breastfeeding or your breastfed baby.”
6. Tattoo
Ang pagkakaroon ng tattoo ay nagpapataas ng tiyansa na magkaroon ng impeksyon katulad ng Hepatitis B/ C or HIV. Maaari itong makuha kung ang ginamit na equipment ay hindi malinis.
Ayon sa Australian Breastfeeding Association, maaaring mapasa ang bacteria sa tattoo, “mainly as a result of contamination of the pigment used”.
Dahil rito, hindi masasabing ligtas ang magpa-tattoo habang nagpapasuso.
7. Facial cosmetic injection
Nagbigay ng payo ang dermatalogic surgeon na si Dr. Ronald Sheldon, sa pagkakaroon ng facial cosmetic fillers katulad ng botox habang nagpapasuso. Ayon sa kaniya, ang procedure na ito katulad ng microdermabrasion, V-beam laser o Fraxel Restore treatment habang nagpapasuso ay safe naman.
8. Cream at lotion
Ligtas gamitin ng mga nanay na nagpapasuso ang skin cream at lotion (kasama ang mga produktong may alpha hydroxy acids). Subalit iwasan na ilagay ito sa may bandang nipple.
Pinapayo rin na iwasan ang mga produktong may retinoids. Isa itong produkto na pantanggal ng wrinkles. Ito ay dahil ang oral retinoids ay nakitaan na maaaring magdulot ng birth defect sa mga buntis na babae.
Kasama rin ng Retinoids ang Retin-A, differin, tazorac, retinol o retinyl. Kaya naman tignan mabuti ang mga sangkap ng face cream bago tuluyang bilhin ito habang ikaw ay nagpapasuso.
Iba pang beauty treatments na bawal sa nagpapasuso na ina
Payo ng mga propesyonal, habang ikaw ay naghahanap ng tamang beauty product katulad ng lotion o cream, kinakailangan mong tignan muna ng maayos ang mga sangap ng naturang produkto. Iwasang bilhin ang mga produkto na mayroong:
- Petroleum: Ang petroleum na sangkap ay maaaring makairita sa malambot na balat ni baby. Abangan ang mga pangalang ito: propylene glycol, mineral oil, paraffin, petrolatum at isopropyl alcohol.
- Formaldehyde: Ito ay maituturing na preservative ng isang skin-care product. Maaaring magdulot ito ng seryosong allergy at allergic reaction sa iyong baby lalo na kung na-exposed siya rito. Alamin ang mga technical terms ng formaldehyde: hydroxymethylglycinate, DMDM-hydantoin at methenesmine.
- Parabens: Ito ay karaniwang makikita sa mga skin-care product at pumapasok sa ating mga balat. Ayon sa LiveStrong, sa paglipas ng panahon, “creating abnormal amounts of chemical buildup that can affect the endocrine system of a baby who is sensitive to the substance,” Alamin ang mga technical terms ng paraben: isopropylparaben or methylparaben.
TANDAAN: Ang artikulong ito ay nagsisilbing gabay lamang. Kung mayroong iba pang katanungan tungkol dito, agad na magpakunsulta sa doktor.
Laging magsagawa ng beauty treatments sa mga kilala o pinagkakatiwalaang lugar. Kung hindi ka sigurado sa treatment, laging tanungin muna ang iyong beauty technician para sa kaligtasan.
Sources:
La Leche League International, Australian Breastfeeding Association, kellymom.com, LiveStrong
If you want to read an english version of this, click here.
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!